Search This Blog

Friday, February 11, 2011

unang sulat para kay ez...

Ez,
Nagkakaisip ka na kaya dapat ka ng sulatan, para malaman mo na sa ganitong edad madami ka ng nagagawang kalokohan....
Oo tatlong taon ka na, at kasalukuyang tinutuklas ang lahat lahat dito sa ating mundo...Marahil naguumpisa palang ang karunungan sa iyo ngunit sa pagkakataong ito ikaw ay maituturing palang na isang batang musmos, walang nais gawin kundi maglaro, kumain at matulog.,..kaya dapat lang na gabayan at turuan ng tamang asal..
Pero alam mo mas nakakatuwa ka ngaun kaysa nung baby ka kasi nakakaintindi ka na....dati ngiti at huni lang kaya mong gawin ngayon madami na....tulad ng sinasakyan mo lagi likod ko at si lola mo...sinusuntok suntok e kala mo di masakit, napakasakit kaya...napapangiti ka pag may nakikita kang tekti....at saka pagkatapos mag playstation ipod touch naman kay ninong pagkatapos aagawan mo pa ang mommy sa laptop tas maglalaro hanggang sa magsawa ka....tapos hihingi ka dede sasabihin mo mommy "hingi iba dede ko"...at saka dede liit..yuckie tanda-tanda na e....tapos sa umaga pinipukpok mo ko ng dede tapos sasabihin mo nanaman mommy "hingi iba dede ko"....pauli-ulit...
At isa pa kung bakit ka nakakatuwa ay dahil nakakasunod ka na sa mga utos...kaso nakakainis lang minsan, nasobrahan ka sa kulit....pero ganun pa man masaya ako ibinigay ka ng Diyos sa amin...Dahil sa araw araw na nakikita kita kaw nagpapalakas at nagbibigay ng tuwa sa aking puso....tamang tama ngayong buwan ng mga puso sau ko iaalay ang aking pagmamahal...sa inyong dalawa ng iyong ama...
Hay, ano kaya itsura mo pag lumaki ka na....Sabi ng lola mo kaw daw magpupunas ng puwet ko pag tumanda na ko.....baka mamaya mandiri ka....o siya aantayin ko sagot mo dito sa sulat ko....tapos post natin sa facebook,,,,uso pa kaya to sa panahon mo....Basta ingat lagi at pray kay papa Jesus....mwah...mwah..mwah...luv u...

Mommy Nang

No comments:

Post a Comment